Wag na tayong maglokohan

Ako? Oo, gustong gusto ko pag may nagfafollow sakin. Malungkot ako pag may unfollowers. Naiinggit ako sa mga Tumblr Famous. Gustong gusto ko pag marami ang notes ng posts ko. Gustong gusto ko pag may pumupuri sa blog ko. I express. I impress. Ano pa ba?

Yan tayo eh. Gumagawa ng sariling patakaran. Ganito dapat, wag ganito. Hindi ako ganito, ganito ako. Kaya nagiging mundo ng Showbiz ang site nato para sating mga Pinoy eh.

Napansin nyo ba mga blogger sa ibang bansa? Bulgaran ang kahayokan nila sa Followers diba? Bawat post may “Follow for More”. Pero ano, peaceful ang buhay blogger nila diba? Wala kasing laglagan. Kung gusto ng follower eh di gusto. Di importante kung sariling post o puro reblog lang. May nabasa ba kayong hate post nila sa kapwa blogger nila? Wala naman ata diba?

Tayo? Talamak. May kampi dito, may kampi doon. Kung may famous, may sipsip. May inferior, may superior. Imbes follower count ang basehan ng pagiging Tumblr Famous, satin pati impluwensya. Mga ganitong klaseng post may magrereblog tapos babarahin — maimpluwensya nga kasi sila diba?

Ni si David Karp nga walang bawal bawal sa kanya dito sa Tumblr eh, tayo pa kaya? Di ko sinasabing um-agree o dumis-agree ka. Buksan lang natin ang isip natin. Just ignore issues. Ang nangyayari, the more na pinopromote kasi natin ang pagiging pantay-pantay natin bilang blogger pero mas lalo tayong nagkakawatak-watak at nagkakalamangan. Ugh, society.

  1. koh-lin said: amen
  2. karaniwangbinatilyo posted this