Bat kaya konti lang ang Pinoy Athletes na Artistahin?

Napansin ko lang. Bakit kaya konti lang ang athletes na nagrerepresent sa Pilipinas which also showcases not only Filipino Ability but also Filipino Beauty? Hindi nating maiwasang magtaka kung bakit ang dami daming Pinoy na may good looks pero di napapasok sa sport. Kung meron eh syempre yung may mga half — at halatang halata na yung pagka good looks nila ay di dahil sa pinoy blood kundi sa foreign blood. Hindi natin sila maiwasang maikumpara sa mga kalaban nila sa other countries.

Siguro dahil ‘to sa idea nating pinoy na pag good looks, dapat maging artista. At nagiging artista nga dahil yun ang basehan sa pagpili nun. Yung galing nila sa sport, hindi nila naaapply at hindi yun ang nagpapatagumpay sa kanila. Sinasali lang yun sa acting nila di para marecognize yung galing nila kundi para mas lalo silang tangkilikin sa tv screen. Or maybe pwede yung talent — magaling sa dance or singing. Pero the way na agad agad silang nabibigyan ng contracts without joining or winning talent shows ay dahil sa itsura nila hindi sa mismong talent.

Hindi ko sinasabing dapat gwapo’t magaganda lang ang kinukuhang Athletes. Or dapat talented lang ang kinukuhang TV Personalities. Pero kasi may mga artistahin na napipilitan lang mag-artista dahil yun ang pinu-push sa kanila ng society natin. They maybe have their athletic skills and dreamt of success out of it, pero natabunan yun ng pag-aartista and as time goes by, naeenjoy na nila ang pagiging artista hanggang sa nabulag na sila ng mundong yun. Or sa ibang instances naman, yung mga di masyado artistahin na dirin makapagtapos kaya di maipagpatuloy ang pangarap na yun, or di naipapasok sa showbiz dahil di sila artistahin kahit may potensyal sila sa pagiging ganun, naibabaling nalang sa sport yun, at dahil magaling din sila sa field na yun eh narerepresent nila ang bansa.

But the good thing is that pareho nilang naabot yung fame, money and success. Pareho nilang pinagbubuti ang laranagan kung saan sila. But the question is, are they happy doing it in the first place? Maybe yes, but that is because the brainwash of the society that they must be happy because dun sa larangan sila nararapat pero hindi dahil yun ang gusto nila. Pareho silang napilitan na tahakin ang kani-kanilang larangan dahil di sila pwede sa kung saan ang gusto nila — at dahil yon sa paniniwala natin na ang itsura at kakayahan ng isang tao ay magkaiba at may kanya-kanyang magkaibang larangan na nararapat dito.

  1. karaniwangbinatilyo posted this