Gusto ko bago ako ikasal…
Hanggang ngayon, nananatiling malaking question mark sakin kung sino ang babaeng pakakasalan ko. Maaaring may napupusuan o naadmire man lang ako sa ngayon pero nananatiling undecided parin ako sa kung siya ba talaga ang gusto kong pakasalan. Ewan ko, call me “pihikan” pero hangga’t maaari gagawin ko ang lahat para fit ang pinapangarap kong makasama sa habambuhay sa ang pinapangarap kong buhay.
May gusto kasi akong patunayan sa mga magulang ko. Through these years of studying, people around me tries to say that kagaya at gagaya rin ako sa mga ginagawa ng karaniwan sa pinanggagawa ng kabataan ngayon — ang maagang pagpapamilya. People say na hindi ko kaya ang tinatahak ko ngayon. But this is a good thing coz it motivates me to something — a dream, a vision and a goal.
Gusto ko bago ako ikasal, makapagtapos ako sa pag-aaral. Gusto ko bago ako ikasal, makabawi man lang ako sa paghihirap ng mga magulang ko para marating ko ang pangarap ko. Gusto ko bago ako ikasal, may trabaho na ako — o kung pwede, gusto ko may pinapatrabaho na ako. Gusto ko ang magiging asawa ko ay gusto ko at gusto rin ng pamilya ko para sakin dahil gusto ko buo ang pamilya. Ayokong nakikitira kami sa bahay ng magulang ko o sa mga biyenan ko dahil gusto ko may sarili na kaming bahay dahil ayokong maging dependent. At gusto ko ang magiging asawa ko, hindi mababa o mataas ang pangalan kesa sakin (doktora din sana hihi) dahil ayoko ng comparison.
Dahil para saken hindi ang pag-aasawa ang pangarap ko sa buhay kundi parte lang yun para maisakatuparan ang pangarap ko sa buhay ko, sa buhay ng kinalakihan kong pamilya at ang buhay ng nakararaming nangangailangan. Bow.
-
kumonoy said:
isang malaman at napakagandang pangarap. isa kang inspirasyon sa maraming kabataan, kung mababasa lang ito ng mga kabataan ngayon tiyak may kung anong kikintil sa kanila. Good luck sa pag-aaral mo at sa mga pangarap mo.
-
vershophobia likes this
-
isangeklektiko likes this
-
littlemissbui likes this
-
lazyredd likes this
-
matalinghagangdila likes this
-
akoangpusanggala likes this
-
gianedrd likes this
-
thegirlinkhakis likes this
-
reanmalabanan likes this
-
jhunjhan likes this
-
thecarlomagtaas said:
ikaw na!
-
shenisational likes this
-
thecarlomagtaas likes this
-
karaniwangbinatilyo posted this

