Pro-Life or Selfishness?

Hindi ko alam kung bakit sinasabi ng simbahan na pagiging pro-life ang pagkontra nila sa RH Bill. Kesyo dapat wag pigilan ang pagdami ng populasyon ng mga tao. Eh kasi naman itong mga nagsumite ng bill, napakakitid ang scope ang pinahayag. Reproductive Health Bill? Ang kitid ng scope ng debate kung umiikot lang ang lahat ng usapan sa human species. 

Wag selfish. Lets think sana of the wider scope, how about other species? Diba mas maraming tao, mas maraming nasisirang ecosystem? Ang tirahan, pagkain at karapatan nilang mag-mabuhay sa mundo ay natatapakan dahil sa pagdami ng populasyon — and the fact na mas naitutulong pa sila sa paghina ng climate change, e tayo? Wala. Sunog dito, kalkal doon. Tapon dito, putol doon. Yan tayo eh.

Ito po yung issue ngayon na pilit inaadvocate ng mga sayantipiko, kung di natin gusto na tumulong para sa kalikasan, eh wag na tayo magparami. Kung Reproductive Health Bill, sana ginawa nalang na Resource Exploitation Prevention Bill. Hindi lang naman mga nanay ang nanganganib ang buhay sa pagpaparami ng anak—ang mundo mismo.

—-

"Using his burgeoning intelligence, this most successful of all mammals has exploited the environment to produce food for an ever-increasing population. Instead of controlling the environment for the benefit of the population, perhaps it’s time we control the population to allow the survival of the environment."
— David Attenborough

  1. embracingawesomeness said: sensitibo kasi ang isyu na ito para sa mga Pinoy. Kung tutuusin mahirap ngang magdecide kung ano ang tama o mali. Both parties kasi, antis and pros may kanya-kanyang point kung bakit tama yung pinaglalaban nila.
  2. allenlupin said: SALAMAT MAAM HERERRA. HAHAHA you know what i mean :)
  3. karaniwangbinatilyo posted this