FYI: Ito ho yung pinapangarap nating Dashboard noon

Natupad na ho yung mga nirereklamo nating issues dito sa dashboard. Tapos ngayon sasabihin mong nakakatamad nang mag tumblr?

Generally, those issues can be categorized into two:

  1. "Walang Famous Famous. Pantay pantay tayong lahat dito"
    Eto. Sikat tong issue nato eh. May lumalaki daw kasi ang ulo, may sipsip sa sikat, sumikat lang dahil sa mukha at kung ano ano pa. Anyway alam naman kasi nating lahat kung sinong sikat yung kumbaga deserving. Kasi isa lang naman ang role ng mga sikat na bloggers dito eh — sila ang pasimuno ng mga trends at topics sa dashboard. Kumbaga they were the leaders of this site. We can’t deny the fact that 70% ng posts natin noon (aside sa personal, diary, etc.) is a modified or derived posts from them. Ngayon pantay pantay na nga trato natin sa isa’t isa — kanya kanya nang kwento sa dashboard. Wala nang interaction. Wala nang pakulo. Wala nang balita mula sa buhay nila, kasi we care now on our own balita to them about our life. Masarap makibalita mula sa buhay ng iba diba? Aminin mo. Mas masarap compared sa pagbabalita mo ng buhay mo sa iba while no1curr. Kaya nga siguro nagdeact na ang iba kasi wala na silang mamodify na topic galing sa mga sikat at magagaling na bloggers. Puro kanya kanyang kwento nalang ngayon.
  2. "Blog to express not to impress"
    Continuation ng number one. When you blog to express, you post what’s inside your heart. At hayun na nga, puro na kwento ng sari sariling buhay ang nasa dash ngayon. Di na gaya ng dati na nagpopost ng jokes, swag and funny statements, makukulit na one liners with gifs kasi daw blogging to impress daw yun. Kasi daw pag nagpapaimpress ka daw, ginagawa mo ang lahat para maging "benta" yung post mo para magkanotes. Eh wala naman tayong pake kung dumami ang note nung bentang post ng isang blogger eh. Aanuhin ko ang notes nya? Ang akin don, napapangiti, napapa-"tama~" ako ng mga bentang posts sa dash. At ang mga bentang posts ang dahilan kung bakit masaya ang dash. Diba? Masaya ang dash noon kasi everyone seems to impress others, producing bentang posts every day.

Issues ang buhay ng dashboard. Pero pinatay natin ang mga issues kaya pinatay narin natin ang dashboard. Wala nang twist na nangyayari ngayon sa dash. At wala tayong masisisi kasi lahat tayo nakisali sa pagpatay nito.

Sabagay ito rin minsan ang nagpapainis sa atin, pero ito rin pala ang hahanap hanapin natin sa huli.

  1. sassy-shawty reblogged this from karaniwangbinatilyo
  2. unyieldingpain reblogged this from karaniwangbinatilyo
  3. mylangaw reblogged this from karaniwangbinatilyo
  4. karaniwangbinatilyo posted this