September 19, 2012

First time kong manrashtalk sa mga Government Employees

12:20 PM kanina, dumating ako sa NSO para iclaim yung nirequest kong SecPa ng Birth Certificate ko. Sabi ng security guard maghintay nalang muna ako ng 1PM kasi noon break pa daw. Noon break? Eh pinto palang ng office nakabalandra na yung poster na NO NOON BREAK while yung mga teller nakaclose tapos may sulat na noon break?

Okay. So naghintay nalang ako. 12:30, 12:40, 12:50, 1:00. Nilapitan ko ulit yung guard, “Sir, ano ho ba talagang oras sila magreresume? 1:03 na oh?”. Inip ako kasi may klase ako ng 2PM. Dumating 1:32 wala parin. Diko alam kung may demonyong sumapi sakin pero binagsak ko yung notebook ko. Tinumba ko yung isang bangko. Gulat yung guard at mga tao. Nakakahiya pero sige, trashtalk. Blah blah~.

Pinigilan lang ako ng guard. Kahit di naka uniform kasi washday, understandable naman daw kasi nakita nyang may ID ako’t notes. Totoong late ako. Sinoportahan din ako nung ibang tao. Ewan pero parang natakot yung mga teller. Nagopen sila agad. Sinigaan ko ng mata eh. Pinriority nila ako at nagsorry. Sinabi ko nalang na kung magnonoon break sila, tanggalin nila yung noon break poster sa entrance.

  1. thecarlomagtaas said: tsk tsk whahahahaha xD
  2. llerbear said: TAMA ANG GINAWA MO! GOO! :D
  3. theadriangarcia said: Go! :)
  4. tamtacks said: Tama lang yun. Hayup sila. Hahahaha.
  5. karaniwangbinatilyo posted this