RF: Nasali ako dati sa Pageant.

Nangyari to nung CAS Days namin [College of Arts & Sciences].

“Search for God and Goddess of College of Arts & Sciences”

No choice na kasi kung di pa ako ang sasali. Konte lang that time ang enrolled BSBio Boys. Alangan namang yung mga kaklase kong WEIRD ang sasali, kaya sige nalang, inaccept ko ang offer. Ako ang sumali. For the sake of the team. HAHA


Eto yung Production Attire ko. Topless na may mga Itim na balahibo ng ibon sa pantalon at sa leeg. Parang tanga lang ako jan. Pero wag ka, ako ang “best in production attire” HAHA

Eto naman yung Highlight na Attire. Gods ang Goddess attire. Red Team kasi ang BSBiology Students that time, kaya we represent Hephaestus (God of Fire) at ang kanyang asawa, Aphrodite (Goddess of Love).

Pinainom kami ng Professor namin ng Lipovitan. Nawala ang hiya namin dahil dun. IDK why. Pero yang partner ko, mahiyain talaga yan. Jan ko nakitang marunong pala syang magsalita sa Q&A. Pero sad to say, dahil matatangkad, matatalino at di hamak na mas gwapo yung mga kalaban ko, runner up lang ako.

K lang, at least ako ang Best in Production Attire. Yung lahat ng iba pang awards, dun napunta sa champion. Haha. Isang di malilimutang pangyayari.

  1. schizotypical said: pogi eh. Lels
  2. nakamaskara said: naks :D
  3. karaniwangbinatilyo posted this