Diko alam kung bat ko sya napanaginipan kagabi. May isang event daw na nagkatabi kami sa bleachers. Hawak ko cellphone ko. Kinuha nya yun. After event may nagtext. Sya yun. Sabi nya, “Hi. Ako ‘to. Napag-isip isip ko lang, dirin pala nababago ng kakalimot at kakadelete ng number mo ang sakit.” Weird. Diko alam kung bakit. Bigla ako napaluha kahit malalim na ang gabi.
Dalawang taon na pala ang nakalipas. Marami nakong nabago sa sarili ko. Diko alam kung maaappreciate nya ‘to pag binalikan ko sya o baka ang babalikan ko ay isang babaeng pagod na sa kakahintay.















