Tips para sa mga magka-college na this school year:
Ibang iba ang highschool sa college. May mga bagay na ayaw nating gawin sa highschool pero yun pala ang advantage natin pagdating sa college. Mga expected nating mangyari sa college pero hindi pala. Here are some of them:

REQUEST SEVERAL QUIZZES FROM YOUR PROF
- Ayaw na ayaw natin sa mga Quizzes. Pero ang hindi atin alam, kung mas marami ang quiz, mas madadali ang mga ito at matataas ang scores na makukuha mo. Syempre pag maraming quiz, konte ang coverage. Pag isang quiz lang for one month, expect na LONG quiz yan dahil iki-quiz nyo ang na-topic nyo for one month. And its college, one week of discussion is almost 10 notebook pages and more than 10 pages of photocopies. Pano pag ganyan? Walang tulugan na naman yan for just one subject dahil lang sa katamarang magrequest ng maraming quiz? Its not ~para sabihing matalino~ its a technique para balanse ang oras mo sa ibang subjects mo.
MAKIPAGCLOSE SA KA-COURSE, HINDI SA CLASSMATES LANG
- First year ka pa lang kaya mixed ang students sa mga subjects dahil minor subjects palang mga kukunin mo. I mean, sa isang minor subject, halo halong estudyante with different courses yan. Hindi sa nili-limit ang pakikipagkaibigan mo pero mas magfocus ka sa pakikipagclose sa mga ka-course mo. Dadating ang panahon na puro major subjects na kayo at mga ka-course mo lang kasama mo, asan na yung mga ka-close mong nasa ibang course? Wala. May kanya kanya na kayong buhay at wala nang pakialamanan. San ka hihingi ng tulong? Edi sa mga ka-course mo. Kahit hindi mo ka-year level basta pareho kayo ng course, go lang. At least may ate’t kuya ka.
OKEY LANG MAG-CRAMMING
- Wag OA, 1 week palang exam nagre-review ka na. Nagagawa mo lang naman yan kung hindi na-stock sa utak mo yun ni-lesson eh, di ka kasi nakikinig. So makinig, para refresh na lang sa utak mo kahit 1 hour before exam ka lang magsastudy. Okey lang magcramming, kasi sa psychology, nililipat ng utak mo yung long-term memories mo sa short-term memories mo during cramming. It means yung stocked knowledge mo nililipat sa short term memory mo which is madaling matandaan. Kaya pag exams or quiz, narerecall mo yun ng madali.
ALWAYS IMPRESS YOUR PROF
- Impress not through good scores dahil mahirap yun. Impress through good performance — reports, group activities, laboratory skills (if meron), essays, etc. Madaling kumalat ang chismis. Lalo na sa mga Prof, pinagchichismisan ka throughout the faculty kung alam mo lang. At ang chismis na yun ay ang impression nila sayo. Kakalat yan at kahit hindi mo pa na-meet yung isang Prof, kilala ka na nya. At mahirap yan lalo na pag graduating ka na at kailangan mo ng Thesis Adviser. Pag maganda ang impression nila sayo, I tell you — pag-aagawan ka nila. Pag hindi, pagpapasa-pasahan ka lang nila or magpapahabol pa sila sayo dahil gusto nilang patunayan mo sa kanila na karapat dapat ka sa standards nila. Remember that you’re impressing them not to boast but to make a name in the university.












