Minsan lang ako magkukwento. Ewan ko kung babasahin mo.
Meron kasi akong tropa, si Classmate A, GF nya si Classmate B, kababata ko. Ewan ko kung bat wala syang plano na kahit bigyan man lang ng flowers yung GF nya. Mahina ang Guts eh, ako naman to the rescue. Sinabihan ko syang bumili ng flowers, ayaw talaga.
Lahat ng pagconvince ginawa ko. Syempre kababata ko yung GF nya kaya dapat maging masaya sya ngayong Valentine’s Day. Hanggang sa dumating yung point na sabi nya “Bibigyan ko sya ng flowers, basta bigyan mo rin si Classmate X”. Si Classmate X ang nili-link ng buong Department sakin. Bagay daw kami :”> So pumayag nalang ako. We made a Deal. Syempre para matapos na usapan.
So success! Nabigyan na ni Classmate A si Classmate B ng flowers! Ako naman, kailangan kong tuparin ang Deal. Binigyan ko ng flowers si Classmate X. Kilegs naman yung buong klase. Wala naman akong feelings dun, kaya ang sinulat ko sa tag ng flowers: “Specimen for Photosynthesis Experiment”. Akala ko by that phrase, magegets ni Classmate X na walang something dun sa pagbibigay ko.
Nung hapon na, hala. ISSUE. Kumalat ang Chismis na confirmed daw na may feelings ako sa kanya. Si Classmate X naman, nahihiya na sakin, dina tulad ng dati. Anyare? Kala nya siguro may gusto ako sa kanya. Ayoko namang sabihin ng deretsahan na Trip lang yun. Baka mahurt. Diko alam anu na gagawin ko. Pasubo tuloy ako. Bat pa kasi ako pumayag sa deal?
So yes.
Awkward ang Valentine’s Day ko.
Napa-assume ko yung tao. :(